Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng Tsina; sining; showbiz at musika; at wikang Tsino, sa pamamagitan ng pamumuhay at pananaw ng mga Pilipino sa Tsina.